Sunday, December 30, 2007

Isa Na Namang So Grabe The Week That Was

Siguro matatapos na rin ang taong ito nang hindi ko nasasabi ang mga dapat ko sabihin. Pero hindi rin naman kasi ako tinatanong so bakit ko sasabihin? Sapat na ba ang bugso ng damdamin bilang dahilan para mapunta sa mga usapang malamang ay wala nang atrasan?

(hinga)

Nag-inuman kami sa may Bedroom sa Libis at na-bother ako sa tanong ni Eric. Pano daw niya ako iintro-han kapag ipapakilala ako? Para sa iba kong mga kasamahan, madali lang sagot jan, dahil may mga previous writing stints sila na super-interesting/kabilib-bilib. E ako? "Eto si Macky, virgin," suggestion ni Eric, pero since hindi naman ito permanenteng kalagayan, kailangan ko na rin magbigay ng mga posibleng pagpapakilala:

{oo, may options!}

  1. Si Macky, BAA grad, bottom of the class
  2. Si Macky, CPA board-taker
  3. Si Macky, muntik nang mag-CPA, but no, bumagsak
  4. Si Macky, dating systems analyst sa San Miguel
  5. Si Macky, dating research analyst para sa isang kumpanya sa Makati
  6. Si Macky, madaming issues to so simulan na ang inuman
  7. Si Macky, matalino to nung high school e, di ko alam ano nangyari
  8. Si Macky, kakabili lang ng bike (tapos magma-mumble incoherently)
  9. Si Macky, ewan ko nga bakit andito to e
  10. Si Macky, dating lalaki
So ayan, sampu yan, hindi kayo mauubusan. Kung kulang pa sabihan niyo ako, ia-update ko.

(hinga)

Noong Sabado na-realize ko ang laki ng utang ko sa highschool barkada ko. Ang dami kong lakad this year na hindi napuntahan dahil bangenge na or something, or dahil conflict or may nauna nang date. In fact, may regalo ako kay Yuuki monster (ang unang babaeng baby sa barkada -- speaking of which, nanganak na rin ng isang babae ang isa kong kabarkada from college -- ang dami na nilaaaa) last year na hindi ko pa nabibigay (at hindi ko rin naibigay nung Sabado hehehe). Pero hindi na naman nagbabago ang pagtitinginan namin by now [highschool friends = final friends]. So kahit hiyang-hiya ako, nagpakita na rin ako. At kaya naman nagulat ako na ang minsang sanggol ko pa last nakita ay ang laki-laki na ngayon! Nakakatakot. Yung kabarkada kong iyon ay tatlo ang anak at puro lalaki at ang masasabi ko lang ay WOW ang pag-aalaga ng bata ay pwedeng bagong program sa Fitness First.


(hinga)

Matapos kami iwan ni Justine, may sumunod. Ito yung madalas kong makwentong batang ang pangalan ay Bixie (a.k.a. Biggie, Bik, Big, Bealuz, Bea, BigC). Malungkot ako. Pero masaya. Pero malungkot. Isang araw pag-aaralan ko ang konsepto ng pag-miss, pero for the meantime sapat nang malaman mo na hindi ito masarap na pakiramdam. At take note, sinusulat ko to a mere 3 hours after kami huling nagkita. E kakabuo lang namin ng mga bagong alaala sa bahay ni Mayee, dahil sa pagsuksok niya ng tenga niya sa daliri ko habang natutulog kami, at ang kaakibat na pagkagulat: bangenge na kami lahat pero naisip pa rin niyang mang-gago. Ganyan si Bixie. Malupeeeet.


Siguro naman naramdaman niya na madaming malulungkot sa pag-alis niya (mula sa mga tinakot na JIT, sa mga Jap, sa mga techwriter). Pero matayog ang paglipad ng mga pangarap namin -- so a girl's got to do what a girl's got to do, ika nga ng kung sino mang unang nagsabi niyan.

(hinga)

Nung huling labas namin nina Justine, sinagad namin ang gabi, hanggang matapos ang mga dapat gawin, masabi ang mga kailangang sabihin (at sa gitna ng kaguluhang iyon ay nag-exhibit ng suspicious behavior ang computer ko na ikinagimbal ng aking damdamin) -- kulang na lang sumama kami sa airport. Ganun din tong over-extended gimik na ito. Parang walang gustong matapos ang araw -- kahit technically ay tapos na talaga at nangalahati na ang susunod na araw.

(hinga)

Nasulat ko na to dati, yung tungkol sa mahiwagang katangian nung tatlong araw sa gitna ng Christmas at New Year breaks. Yung tipong kahit alam mong dahil year end ay ang dami mong dapat ayusin at paghandaan, hindi mo maikukubli ang kagustuhang ipagpatuloy na lang ang naantalang pagbabakasyon. Isama mo pa ang kakaibang panahon (ulan, init, lamig sa rurok ng Disyembre) at ang pagpasok ng sweldo (mayaman na kami!!) noong katapusan.



(hinga)

Panahon na naman ng pagbabalik-tanaw. Overall ito ay isang NAPAKABANGIS na taon, kung hindi man ang PINAKAMABANGIS sa tanang buhay ko. Isa lang naman ang pinagmulan ng kaligayahang ito: isang napakalupit na desisyon noong nakaraang taon na huwag nang magpagago sa sinasabi ng ibang tao.

Masaya akong nakilala kita; pero kung nakilala mo ako bago ang taong ito, chances are, hindi mo pa talaga ako ganoong kakilala: at iyan ang totoo, at iyan din ang dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na ito at hindi na lang ipinagpatuloy ang ibang mga nauna. Wala naman talagang totoong nakakakilala sa akin (o sayo, aminin mo): wala pang naka-convince sa akin na nage-gets niya kung kelan lang ako nagbabluff at kung kelan hindi -- pero we have the rest of my lifetime to figure that out. Ang mahalaga, ito ako, at ito ang gusto kong gawin (magsulat, lumikha, dumaldal, malaman ang takbo ng utak ng mga tao).


Mamatay na ang magsabing late bloomer ako, dahil sa mundong ito, ang konsepto ng oras ay mapagbalatkayo. At sa totoo lang, wala akong pake.

9 comments:

Anonymous said...

sino yung mataba sa atm

nyaaa

Macky said...

ewan ko pero kapag ni-zoom mo yung balance sa ATM nasa 100 kyaw

Anonymous said...

hala miss ko na ung aso mo mackyyyy hahaha

Unknown said...

wala namang mataba dun a...
anywaste. i had fun sa pagkabasag nating apat. pero gaya nga ng sabi ko, di ako naniniwalang tapos na ang mga kabanata ng Happy Bunch. Pasarap pa lang, parang alak na ini-edad. come to think of it, lahat tayo ay ini-edad. Or whatever. I'm 20, remember that.
Masaya ang taon. Mas sasaya pa ang darating :)

Unknown said...

On your intro, add these:
Si Macky, mabangis na writer.
Si Maria Christina Cruz, Macky for short. I bet may kaklase ka nung elementary na ganyan din ang full name. Pero hindi si Macky yun.
Si Macky, in love kay Neil Gaiman.

Anonymous said...

Ez Murkydidit (again), my fewcher fave author.

Anonymous said...

Intro kamo?...

Si Macky, OA!
Si Macky, sira-ulo
Si Macky? ah si Didit Reynes, oo tama

Anonymous said...

Salamat sa mga alaala, Didit... pero sabi mo nga "this is not the end" so gagawa pa rin ng mga alaala... And always remember my 'newest' dream...

Macky said...

yes biggie