Tuesday, October 9, 2007

Wanbol University

May nakapagsabi na kasi sa akin na may pagka-Iskul Bukol ang sense of humor ko. Well, kahapon may tribute sa iWitness para sa Iskul Bukol. Ininterbyu lahat ng cast pwera ata si Redford White dahil nasa dos na, at si Mang Temy dahil patay na. Pati si Tonette Macho ininterbyu. Pati si Ms. Tapia. Ang weird dito I don't even remember watching it, ever, pero sa sobrang pagka-classic niya (and I don't know why that's even possible) super familiar ng mga plot lines at banat ng mga character dun (think Escalera brothers kapag recitation), kahit yung mga slapstick, parang kilalang-kilala ko talaga. Parang doon ako lumaki. Kung saan man yun. Ako kasi yung tipong mahilig humirit ng mga wala lang. Mahilig magbingi-bingihan, mahilig mag-bluff, mahilig mangtarantado ng mga tao for fun. Habang pinapanood ko yung tribute naisip ko talaga $%^%$&%@$*&* dito nga nagsimula ang lahat.

At dahil mahilig ako mag-Google, eto lyrics ng Iskul Bukol:

Iskul Bukol

Iskwelang kwela ‘to dito’y enjoyable /
konting aral lang konting bulakbol /
dito nang lahat, madaldal at bulol dito na nga, Iskul Bukol

[chorus]
Ah hah hah, ah hoo yahh / iskul Bukol /
ah hah hah, ah hoo yeah /iskul Bukol

Hanggang sa umuwi mula pa sa roll call /
lahat ay magulo, but okey lang, it’s cool
dito ay terrible, dito’y buhol-buhol / ito na nga, Iskul Bukol

[chorus]
Ah hah hah, ah hoo yahh / iskul Bukol /
ah hah hah, ah hoo yeah / iskul Bukol

[coda]
Iskul, Iskul, Iskul Bukol (6x) / sa iskul naming ay sigurado ka
sa happening at sa katatawa / siguradong ang mga pabongga
ang di lang sure… ang papasa

[chorus]
Ah hah hah, ah hoo yahh / iskul Bukol /
ah hah hah, ah hoo yeah / iskul Bukol

[coda]
Iskul, Iskul, Iskul Bukol (6x) / sa iskul naming ay sigurado ka
sa happening at sa katatawa / siguradong ang mga pabongga
ang di lang sure… ang papasa

Ito’y sayaw sa ating bayan / humahanga ang sandaigdigan
na sa galaw ng ‘yong mga kamay

At sa imbay ng mga baywang / anong ganda ay anong inam
kapag ito ay mamasdan / anong ganda at anong inam

Aha, laking Eat Bulaga din siguro kasi ako, kaya rin ipagtatanggol ko si Joey de Leon kahit saang korte. Alam ng mga kakilala ko yan, kaya madalas din ako mapaaway. Hindi ko maipapaliwanag sayo kung bakit nanonood ako ng Eat Bulaga at nakikisigaw sa mga sumasali sa Laban o Bawi. Hindi ko rin maipapaliwanag sayo bakit inaabangan ko pa rin ang mga opening number nila kahit huwaw mag-iilang taon na silang nag-oopening number. Hindi ko rin alam bakit ni minsan hindi ako nalaswaan sa The Sex Bomb Dancers (na may wiki entry, akalain mo) kahit halos wala na silang suot. Hindi ko rin alam paano nila napapa-masa ang the likes of, say, Toni Gonzaga, Julia Clarete, Cindy Kurleto, Francis Magalona. Hindi ko rin maipapaliwanag ang ligayang dulot ni Jose. Basta ang mahalaga sa akin, may kakaibang tuwa akong nararamdaman tuwing nanonood ako -- oo, may corny, may sablay, may mga Allan K hirit na hindi ko talaga trip kahit tatlumpung beses ko ulitin sa utak ko -- parang yung nararamdaman kapag Pasko, yung lahat andun, nakatambay na wala lang. Dahil ganun naman ang buhay dapat: dapat parang nakatambay lang.


Mood: tawang-tawa

3 comments:

Chanda Yongkita said...

I loooove this entry!

you inspired me to write my very own entry about the mother of all things funny--that is Eat Bulaga!

Sila'ng lahat ay nagbibigay ligaya sa ating buhay! (ten nen ten ten!!)

Macky Cruz said...

game, pabasa!

tintination said...

Bossing! I love you!