Saturday, June 5, 2010

Alimuom

Napansin ko kanina na parang alipin din lang talaga ako ng mga bagay sa paligid ko: ang kirot ng kalamnan, ang sakit ng balikat ko, ang pamamaga ng mga mata bunga ng kung anu-anong iniisip sa nakalipas na gabi.
Salamat sa ulan, bumalik ang interes ko sa mundo. Ang alaala ng ulan, hindi lang dala ang lamig. Pati simoy ng hangin, ang aliwalas ng langit, ang kamalayang tapos na ang pagdurusa.

Ang tag-ulan: panahon ng comics, pagkukulong, pakikinig sa tugtuging makapanghihina sa paniniwalang kontrolado mo ang mundo. Panahon ng pagbabalik-tanaw, paghahanda: payong at kapote at maiikling pantalon. Panahon ng bagong buhay: bagong damit, minsan, bagong pananaw, parang may nangyaring pagpapalaya na nagbago sa takbo ng mga bagay.

Buti na lang.

Nasa dulo na'ko e. Malapit nang bumigay. Noong naamoy ko ang simoy ng panahon ng tag-ulan, naisip ko: may katapusan din pala ang lahat.

Buti na lang.


(Note on August 12, 2012: This was originally posted on my Tumblr.  I'm doing some online housekeeping and I figured I'd leave my Tumblr out of the drama and corral introspective shit here. I left my blog last August of 2009 but I've reemerged somewhere between that and this.)

No comments: