Monday, February 4, 2008

Quotation "Marks"

Nakita ko ito sa blog ni Neil: The Blog of Unnecessary Quotes. At naalala ko ang mga pag-uusap namin noong college na umiikot sa konsepto ng panipi (quotation mark) at kung paanong naiiba nito ang ibig sabihin ng kahit anong ordinaryong bagay basta't ito'y ginagamit nang may karampatang malisya. To wit (ang siste ay kailangan mong sabayan ang mga panipi ng pagkalabit sa hangin gamit ang pangalawa at pangatlong daliri ng bawat kamay):

Person 1: Hoy. "Nagugutom" ako.
Person 2: Talaga? E 'di tara, "kumain" na tayo sa "canteen."
Person 1: Okay. Sigurado ako "masarap" dun.

And such.

Elsewhere: Nanggaling akong takbo for the Ipo Dam (c/o the UP Mountaineers) at nagregister for 10k pero naka-5k lang ako kaya kung sakaling maka-world record ako for finishing too early, don't worry, pinaghahandaan ko na ang public apology. Kung anu-ano sumakit sa katawan ko kanina (kung anu-ano ang pinangtakbo ng mga tao: pwet, likod, etc.), pati tiyan sumakit. Pero iba, iba ang high. Next stop, Pinay in Action run! Woot!
Mood: tinatamad

No comments: